Ang sukatan dito ay dapat may 2,000 worth of learning hours kang ginugol para aralin ito. ITo ay katumbas ng 250 days of learning sessions.
At the minimum dapat naka-attend ka na ng training tungkol sa stock market at nakapagbasa ka na rin ng mga libro tungkol dito. Counted din ang mga online courses, panonood ng videos, pakikinig sa podcast at pagbabasa ng mga blogs tungkol sa stock investing.
Naiinitindihan mo ba ang mga sumusunod: averaging down, bear market, beta, blue chip stocks, bull market, broker, day trading, dividend, exchange, execution, hedge, index, initial public offering, margin, moving average, order, portfolio, quote, rally, sector, spread, stock symbol, volatility, volume at yield?
Kung hindi, marami ka pang dapat matutunan sa stock market at ang mga binanggit ko ay mga simpleng termino pa lamang. Kinakailangang maintindihan ang mga technical terms na ginagamit sa stock market bago pumasok dito.